Posted in Uncategorized

UNA AT HULI

Sa madilim na bahagi ng buhay ko,

Nakilala mo ang aking pagkatao.

Mga parteng sa akin ay bumubuo,

Mga bagay na alam mong sa aki’y gumugulo.
Nakinig ka sa tinig kong kay saya at kay lungkot,

Nakita mo ang bawat luhang sa mata ko’y bumabalot.

Nakiagos ka sa paglalakbay kong puno ng kirot,

Nakiramay ka sa paghina kong dulot ng sigalot.
Sa mga buwang nagdaan,

Napagtanto ko ang pagkakaiba ng dalawang dakong laan,

Ng Diyos na nagbigay sa akin ng daan,

Sa buhay na puno ng pagsubok na hindi magaan.
Ikaw ang unang taong iniyak sa Diyos,

Sa pag-ibig na walang kasiguraduhan at sa puso’y napapaos.

Sa bawat sigaw ng damdami’y sa panaginip mahal kang lubos,

Pangako sa Panginoo’y pag-ibig ‘di mauubos.
Ang pagkilala sa iyo’y hindi aksidente,

Ang pagtingin sa iyo’y hindi parang kuryente.

Naniniwala ako na ang kilig sa damdin ay hindi permanente,

Kaya ang pagmamahal sa iyo ako’y kampante.
Hindi kilig ang magbibigay ng ibig sabihin,

Sa kalooban kong pag-ibig ang sa damdamin.

Sa paglalakbay ko, sa wakas nahanap ka rin,

Sa iyo na ilalaan ang buong pagtingin.
Sa galit ko, ikaw ang sumasalo,

Sa bawat pagtawa ko, ika’y nakikigulo.

Sa halong emosyon ko basang-basa mo na kung saan patungo.

Sa iyo’y walang tinatago, pagkatao ko’y alam na alam mo.
Isang tawag lang andyan ka na,

Alas onseng tawag alam kong nagigising kita.

Sa magulong desisyon sa buhay, ika’y sumusuporta,

Maraming salamat sa pagtanggap sa aking pagkaloka-loka.
Tulad ng pagpapahalaga ko sa rosas na itinago,

Ang pagpapahalaga ko sa taong katulad mo,

Ikaw at ikaw lang ang laman ng puso,

Pangalawa sa Diyos na mahal na mahal ko.
Kung ang bawat araw na kasama kita’y isang panaginip,

Paggising sa umaga’y ayaw ko munang mahagip.

Kung ika’y para sa akin na inihip,

Sasaluhin ko ito at ang pagbitaw ay wala na sa isip.
Sa una’t huling hakbang ng sayaw,

Dalangin ko isang tao lang ang makasama sa galaw.

Kasabay ng paghihintay ay panalangin ang pumaibabaw,

Inspirasyon sa kwento ng bawat araw.
Sa pagdating ng panaho’y sana ikaw ang makasama,

Maglalakad sa tabi ng dagat, ikaw ang una’t huli sana.

Sa paglubog ng araw panalangim natn ang dala,

Sa walang hangga’y tayong dalawa ang maging tala.

Posted in Uncategorized

NAGUGULUHAN

Okay lang na kasama ka sa lahat ng pagkakataon,

Nasanay akong ikaw ang buhusan ng bawat hinanakit na baon.

Nasanay na ako sa iyong ngiti’t simangot,

Nasanay na akong magtanong sa’yo ng bawat sagot.

 

Normal sa rin sakin ang tawagin kang “mahal”,

Kahit na wala namang malisya itong halal.

Kaibigan ngang espesyal ang sayo ituturing,

Sana nga hindi ito parang buhay na may taning.

 

Ngunit bakit ganito na ang aking nadarama,

Naiinis ako kasi hindi na maganda itong alintana,

Pakiusap ko lang mukhang ako ay nahulog,

Nagising na ang pusong kay himbing ang tulog.

 

Naiinis ako ‘pag may ibang humahawak sa’yong kamay,

Ikaw naman itong walang malisya pero sa kanila’y may kulay.

Ramdam ko yung bawat titig nila’y may pagtingin sa’yo,

Ayaw ko mang aminin pero yun ang totoo.

 

Nakakainis lang, nakakainis lang talaga,

Puso, matulog ka muna dahil ‘di ka pa handa.

Pinapaiyak mo talaga ako ng wala sa oras,

Nasasaksak na ako ng kutsilyong matalas.

 

Ayoko munang umamin kahit ang sakit sakit na,

Ang araw, gabi, oras at panahon ay ‘di tama,

May prayoridad tayong dapat munang unahin,

Yung tipong mas mahalaga pa kaysa sa aking pagtingin.

Posted in Uncategorized

A secret birthday gift to the best doctor engineer

20TH JOURNEY OF LOLO HANZ

image

image

image

image

I remember the days that’s so awkward,
Every step seems to go backward,
How to approach a guy like you?
How to open a talk to someone that seems so blue?

Well God always finds his way,
To put friendship in between the past days.
The joy of pain and trials shows in that wonderful smile,
A not so ordinary friendship of sincerity and peace.

You are simple but of an extraordinary heart,
Your words never go beyond the apart.
You are a man of heart and smile,
You are a man of selflessness and generosity.

I pray that the Hanz that I’ve ever know,
Will love God more than anything in the world’s blow.
Keep holding on because it’s not yet the end,
It’s a long journey that you can never lend.

My message to you this 20th of yours is this,
Thank you for your patience, understanding and peace.
Thank you for every inspiring days and happy moments.
Memories are still a worth gift that you ever spent.

As your journey continues,
Step forward with God that holds you tight.
Don’t forget that we are always by your side,
Just wait and we’ll step forward together.

Posted in life's testimony, Uncategorized

WHEN I REALIZE THAT I’M DEAD……..

12376014_896865773768319_1793507054727873342_nSa bawat paggising ko sa umaga, nararamdaman ko ang lamig at ang init ng panahon. Nararamdaman ko ang ngiti at lungkot sa aking labi. Alam ko kung masaya ba ako o hindi. Alam ko at ramdam ko ang kabigatan at kagaanan ng pakiramdam ko. Tumatakbo ang isip sa mga bagay-bagay na naaalala ko. Tumatakbo saisip ko ang bawat gawaing gusto ko at kailangan kong matapos sa bawat araw. Alam ko at ramdam ko na buhay ako. Buhay na buhay. Nakakakita, nakakarinig, nakakagalaw, nakakaramdam, nakakapagsalita. Pero alam ko din na patay na ako.Patay na ang ako. Patay na lahat sa akin. Patay na si Irish. Patay na. Magulo at nakakalito at imposible sa tingin ng lahat. Pero naiintindihan ko at napagtanto ko na patay na talaga ako. Hindi na ako ito.

Sa paggising ko sa umaga, hindi na sarili ko ang iniisip ko. Hindi na ako masaya o malungkot sa sarili ko. Hindi na ako ngumingiti o sumisimangot para sa sarili ko. Hindi ko na nararamdaman ang bawat kabigatan at kagaanan ng pakiramdam ko para sa sarili ko. Hindi na tumatakbo ang mga bagay-bagay na naaalala ko para sa sarili ko. Hindi na ako nagpaplano para sa sarili ko. Hindi na ako nakakarinig para sa sarili ko. Hindi na ako nakakaramdam para sa sarili ko. Hindi na rin ako nakakapagsalita para sa sarili ko. Hindi na ako nagmamahal para sa sarili ko. Hindi na ako buhay. Hindi na talaga. Lahat ng ako ay hindi na para sa sarili ko.

Sa bawat paggising ko sa umaga, namumulat ako na pinagdarasal ang ibang tao. Umiiyak ako hindi para sa sarili ko kundi para sa ibang tao. Sumasamo, lumuluhod para sa ibang tao. Ang bawat lakas na hinihingi ko para ibigay sa iba. Ang bawat pagmamahal na hinihingi ko ay para sa iba. Ang bawat ako na hinihingi ko ay para sa iba. Lahat ng oras ko ay para sa iba. Masaya na ako na napapasaya ko si Lord. Masaya na ako na nakikita kong maayos lahat ng tinutulungan ko. At ito ag palagi kopinapaalala sa sarili ko: “Irish, patay ka na. huwag kang mag-isip at magplano ng sa’yo lamang. Be a Christ-like image. Huwag ka nag magworry para sa sarili mo. Hayaan mong madurog ang puso mo. Hayaan mo lang. hindi ikaw, siya, o ang panahon ang mag-aayos ng pusong ‘yan..”

Oo, killer ako. Oo criminal ako. Hindi ako guilty na pinatay ko ang sarili ko. At hinding-hindi ako magsisisi na pinatay ko ang “ako”. To die is gain. At nagpapasalamat ako kay Hesus na isinama niya akong mamatay sa krus. Katulad ni Barabas na namatay sa krus. Hinding-hindi ako masusuka sa bawat dugo, sa bawat sugat na umagos, sa katawang parang karneng isinabit sa krus. Yung karneng yun na isinabit sa krus ang nagbayad sa bawat utang ko at sa bawat multa ko sa mundong ito. Yung karneng ‘yun ang naglinis sa bawat putik na kinalat ko sa bahay na malinis. Yung karneng ‘yun ang nagligtas sa akin sa pagkatusta ko sa apoy. Yung karneng ‘yun ang nagpalaya sa akin sa ilang taon kong pakabilanggo. Yung karneng ‘yun ang nagpakita sa akin ng tunay na pagmamahal. Ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Namatay Siya para iligtas ako.

Sinalo ng karneng ito ang mga sakit, luha’t, hapdi na dapat sana’y para sa akin. At pinili ko ding samahan ang karneng ito sa pagkakapako sa krus. Pinili kong madurog ang puso ko ng kung pa’no durugin ang Kanya. Pinili kong maging isang nakakadiring karne na isinabit sa krus dahil yung mahal ko ay isang karneng isinabit sa krus dahil sa pagmamahal Niya. Pinakita Niya sa’kin kung pa’no nga ba magmahal ng totoo. Pinakita Niya sa’kin kung pa’no saluhin ang bawat balang dapat sana’y para sa mahal namin. Pinakita Niya sa’kin kung paano ako namatay.

Hindi ko pinagsisisihan na pinili kong maisabit sa krus araw-araw dahil hindi ko pinagsisisihang minahal ko Siya. In the first place, hindi Niya naman pinagsisisihang minahal Niya ako kahit na lam kong hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal Niya. Hindi ako karapat-dapat  pero pinamana Niya pa sa akin ang isang espesyal na bagay ni hinding-hindi mapapalitan ng kahit na ano man sa mundong ito. WALANG HANGGANG BUHAY NA KAPILING SIYA SA PALASYO.

-irish mae idmilao

Posted in life's testimony

ACCEPTING THE TRUTH AND JUST MOVE ON

dream

Hindi ako makahinga, nalilito, naguguluhan. People may say that I’m just this irresponsible young lady that needs to spoon feed and be controlled because of her undesirable acts. Pero hindi, eh. Hindi yun. Masamang masama ang loob ko na hindi ko nakikita ang future ko sa ganitong pagkakataon. Studying in a school that is full of darkness and uncertainty is not what I want. It’s just that my motive in learning in that Institution is not right. I’m just this clueless lady that needs to find the answer. I need to move unless my life will be ruined for the rest of the time.. Sira ang buong buhay ko. I ask God for the direction and HE’s giving it to me. All I need to do is to follow. Trusting God is not a wrong decision at all.

Kailangan kong makalasap ng fresh air. I need to be free from all the bandages inside me. People around may judge me but they don’t know the reason behind. They may oppose on my decision but they are just not me. The Lord guides me, sending to me the right people to be in my journey and I trust HIM…. A lot. I’m not perfect. I know it. We are not perfect. Nobody’s perfect. Ang kagandahan lang ng pagkakamali, I’m learning from it and I’m growing because of it. Nagmamature ako sa mga bagay-bagay na natututunan ko. Ang di lang maganda sa sarili ko, alam ko nga pero hindi ako gumagalaw. Tinatamad ako eh. Now, I’m being stuck. Kailangan kong mag-isip-isip ng maaga. I need to reflect from what’s happening with me and realizing that everything just come and go and if I will not move, I will stuck in here from where I am forever. Nobody wants it. I don’t want it either. Walang forever.

I just realize that kailangan baguhin ang mga  narealize ko ring di maganda sa sarili ko. For example, my childishness. Hindi na ako bata. Sabi sa bible, everything has its time. Lumipas na ang panahong naging bata ako. Now, I’m 18 years old. Move on na sa childhood days. I need to act like an 18-year old girl. Wala nang dahilan pa para maging pabebe. I need to accept the fact that this is my now. Mga decisions ko kailangan ding decision ng isang 18-year old lady. Kailangan kong maging wise sa mga bagay-bagay ditto sa mundo. I need to be mature enough and I need to grow up. Ang pagiging childish ay hindi na akma sa edad ko. Malungkot tanggapin na hindi na talaga tayo bata pero kailangan. Accept the fact and just move on. Ang buhay, step-by-step talaga yan. Pag huindi ka nagmove ng one step forward after mong matapos ang isa, hindi mo talaga mahahanap at matutuklasan ang sagot. Bakit? Kasi nahihirapan kang magmove on.

Next, being lazy is not right at all. Laziness is not from God. give me some names that became successful because of their laziness? Nothing. Walang nagtatagumpay na tamad. Growing up in a family na hindi man mayaman pero natutustusan naman lahat ng needs ko at luho ko is a very good thing for me. I mean, sarili ko ang lahat. Attention, luho, at kung ano man ang meron sa pamilya naming. Only child eh. When I was a child, my mother and my father don’t want me to expose to household chores kasi mabilis akong mapagod. I have this common disease called weaklungs. Naaalala ko pa noon ang gamot ko eh rifampicin at isoniacid. Idagdag mo pa na may anemia ako. Sakitin akong bata noon. Pero nung naghigh school na ako. Ayun na. napapagalitan ako dahilsa katamaran ko. Ang atensyon ko kasi nakatuon lahat sa telebisyon, libro, at pagsusulat. Wala akong pakialam sa paligid ko. Nakakulong lang akosa kwarto. Ginagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Antisocial akong high schooler noon. Fourth year na ako nung natutunan kong maglaba. And guest what. Nalabhan ko ring yung mga damit nina mama at papa. Achievement di ba? But still, I’m a lazy lady.

Noong nagstart na ako sa college life ko, dun na ako nagstart na magstruggle. Nag-aral ako ditto sa Cagayan. My motive was to become an independent one. Matry ngang mabuhay na wala ang mga parents ko. Nagsimula na. natatambakan ako ng labahing damit ko, nauubusan ako ng allowance, kung walang maulam eh kanin na lang, hindi ko mamanage ang time ko, at naging pabaya ako sa pag-aaral ko. Naging irresponsible na ako kung tutuusin. Isama mo pa ang pagkalugi ni papa sa pinasok niyang negosyo. Nagnegative kami sa kita. So, dobleng struggle yan. Depressed kaming lahat at di na makakain. Kapag umuuwi ako, hindi matingnan sa mata si papa kasi once na matingnan ko siya sa mata, anyime babagsak ang luha ko. Ayaw kong ipakita kina papa at mama na pinanghihinaan na ako ng loob.

They planned na tumigil na lang ako sa pag-aaral perofirm ang decision ko na hindi pwede. Hindi pwedeng masira ang future ko. Hindi pwedeng pagtawanan ako ng batch ko. Hindi pwedeng maging pabigat ako. Sobrang sama noon ang loob ko sa kanila noon. Ayaw kong lumabas ng kwarto at hindi ako makakain. Lahat naman kami hindi makakain eh. Ang pakiramdam ko noon parang ayaw ko nang mabuhay pa. natest talaga yung faith ko. Funny kid ako sa church pero sa bahay hindi. Tahimik na tahimik ako. Kung pwede lang, buong bakasyon ko sa church na lang ako magstay. Sobrang bigat kasi sa pakiramdam ko kapag nasa bahay ako. Parang may dumadagan sa lungs ko at walang malanghap na hangin ang ilong ko. Feeling ko noon, anytime tatamaan ako na suffocation.

Isang gabi, narinig ko sina mama at papa na nag-uusap sa may garahe. Nakikita ko ang anino nila. Si papa nakaupo sa isang monoblock at at nakaupo. Naririnig ko ang iyak niya. Si mama pinapakalma siya. Si mama kasi yung tipo ng taong ayaw magpakita ng panghihina ng loob unless nakainom siya. Narinig ko ang pag-uusap nila. Sabi ni papa, paano na raw ako? Paano niya pa ako pag-aaralin? Hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Hindi na niya alam kung saan kukuha ng pera. Wala na. wala na daw pag-asa. Sabi naman ni mama, huwag nahuwag siyang magpakita ng panghihina ng loob sakin dahil panghihinaan din siya ng loob. May paraan pa. pwede pang bumangon. May pag-asa pa.

Hindi nila alam umiiyak na ako. Hindi nila alam humihina na ang loob. Hindi nila alam, nawawalan na din ako ng pag-asa. Trauma na rin ako, depressed, hopeless, takot, doubting. Wala na ring kasiguraduhan ang buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. From there, I stood at my bed, went down to the floor, kneeled down to seek comfort from God. I knew that God has a great plan for me and my family but why is it that I can’t understand the procedure? God said, HE will not give a test to me that I can’t handle. I got the hope and the strength that I know, God has something out there that will be given for the best of everybody. There, I remember what was written in Hebrews 11:1 and it goes this way:

Now faith is being sure of what we hope for and certain of what we do not see.”

Sa hindi ko maintindihang dahilan, I found myself smiling and thanking God for I saw a big opportunity during the rain. Kakaiba po ang feeling ko. Gumaan lahat ng burdens ko. I felt the comfort, the love, the hug, the Father Heart God with me. Nothing compares to this unconditional love that God gave unto us for He sacrificed the Holy Lamb, Jesus Christ to save you and me and to give us this second chance of peaceful life. Just remember when you felt hopeless and there’s nothing to live for you can’t find your purpose in life: Jesus Christ died at cross, wounded, shed blood, pinahirapan, pinagtawanan, binastos, dinuraan. Tiniis NIYA lahat ng iyon para lang mailigtas tayo. So, kung anuman ang pinagdadaanan natin sa buhay, katiting lang yun kumpara sa pinagdaanan ni Hesus. Wala isa sa atin walang problema. Lahat tayo may pinagdadaanan. Walang excuse for this is the test of our faith at inihahanda tayo sa greater opportunity sa hinaharap. Just embrace the trials, overcome it for we know that there’s always a rainbow after the rain. Just look to your problem as blessing in disguise. Remember: there’s still light in the night.

Let’s always trust God. lean unto Him and surrender our life to Him. HE knows what HE is doing. Let’s give it up to the Potter’s Hand. Just be obedient to the Father. He love us that much so we need to love Him, too. Dapat kapag mahal mo si Lord, hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikakasakit Niya kahit na pinapalo tayo ng paulit-ulit. Sa bawat pagsubok, ang Panginoon may gusting iparating. Para mabigyan tayo g lesson, para ihanda tayo sa bagong umagang parating, at para patunayan sa kaaway na hindi tayo tatalikod sa Panginoon anumang bagyo ang dumating sa atin. J

God Bless everyone!!! Nawa’y may natutunan kayo sa munting sulat kong ito.

Posted in Uncategorized

UNSEEN YET PAINFUL….

When I turned my back, I felt YOUR sadness,

YOUR tears flow like how the oceans.

As if the wave never stops moving,

And clouds never stop raining.

I separated myself, I felt YOU’reupset,

YOUR face fall like how the leaves fall.

As if the wing approaches me yet i run,

And my shadows into me and never stops running with me.

I wounded myself, I felt YOU’re hurt,

YOUR body stops moving like how the tree stands still.

As if I wounded YOU with a carve on YOUR skin,

And like a blood that never stops flowing.

I didn’t see it yet it’s painful,

Like how the needle wounded my heart.

I felt it more than i see it,

Unseen and yet it’s painful.

YOUR presence in me never left me alone,

YOUR love to me never stops bothering me.

As if the river never stops flowing,

And the water never stops moving.

Now I’m back and I felt YOUR happiness,

YOU still love me despite of my hardheadedness.

As if the world never stops rotating,

And the earth never stops revolving.

YOU really love me more than I love YOU,

How will I compare this unconditional thing of YOU?

I mean it’s more that what a thing can give,

DSC_0498
My friend Karl Hanz Reyes (Defining Moment Camp ’15).

It’s really from YOU and it made that love exceptional. Continue reading “UNSEEN YET PAINFUL….”

Posted in Uncategorized

WHERE I AM RIGHT NOW…..

I saw myself in the place of Nowhere,

Confused and troubled with the cloud’s share.

I thought it was okay but it seems I’m not there,

Feeling down, can someone repair?

I am here in the road’s death end,

I thought to myself, there’s nothing to bend.

But will I pass the test of life HE lend,

Or will I fail this part of life’s blend?

I succeed, i failed and that’s the cycle,

I’m prepared, I’m not and those are the particles.

No matter how hard to fulfill this life’s bundle,

I’ll continue this story because I know HE can handle.

People laughs, people stares,

People condemns, people do false shares.

But no matter what they say, will it care?

What matters most is how you please the ONE who bears.

Right now I’m in a place of comfort,

At the lap of GOD and it will never abort.

I’m at peace and happy in this port,

It’s not only my story but also for those who are worth.

I received and I believe,

To the LORD our GOD, our JESUS that will never fall like leaves.

It’s amazing because of HIS protection in this world I live,

Thank GOD until the day I’ll leave.

Love really conquers all fears,

HIS unconditional love gathers all my tears.

Nothing compares to HIS love for us dears,

Feeling like we’re moving after the wounds they pierced.

Inside this heart I felt “HES’s amazing”,

That keeps me dance and sing.

Let’s rise and praise the ONE TRUE KING,

Let’s rise and worship the ONE who transformed us into something.

10983326_1637185506527509_3007858200275265368_n

Posted in Uncategorized

MAN IN THE BANQUET’S STAIR

This is a story of my “Kuya Brace”,

How I met him in a foot’s trace.

A smile the brightens his face,

A presence that lightens the days.

A person that may not be taller than me,

But an achiever that everyone can see.

A kuya that knows his responsibility,

A man who is full of integrity.

He loves GOD more than anything else,

That’s how he shows his CHRIST-centeredness.

A man who serves for GOD’s best,

A leader that uplifts the rest.

I thought that time that you’re an ordinary person,

I was wrong ’cause you became my inspiration.

Thank you for the comfort in the days of emotion,

Thank you for the words that move in motion.

It’s been more than a year since I met him,

My kuya that is part of my journey’s dream.

A guy that held me when I was in dim,

A man who cares when I was on steam.

That five days of my first camp,

I never notice you at my first dump.

Thank you Kuya Hanz for holding my first stamp,

Thank you Kuya hanz for lighting the lamp.

I never expect that you’ll be my first dance,

‘Cause I didn’t want to join in that banquet’s entrance.

I never thought of you at my first glance,

But you made it special in that night of chance.

Your story will not end up here,

‘Cause I know it’s not enough to bear.

Thanks GOD for meeting you in the days that’s so rare,

I’ll never stop writing this story of a man I met on banquet’s stair.

Banquet Night Summer camp 2014 (me and kuya hanz)
Banquet Night Summer camp 2014 (me and kuya hanz)